Creating A Folder

Creating A Folder

@BatanesAdmins

Ano Ba Ang Folder?

Malamang ay alam ninyo na kung ano ang Folder at kung ano ang gamit nito. Ang Folder ay imbakan ng anumang uri ng file kung saan may kalayaan ang user na bigyan ang malaking bahagi nito nang pagkakaayos. Sa ganoong paraan, magiging maalwan ang isang user sa paghahanap ng partikular na file.

Halimbawa ng Folder

Anu-Ano Ang Gamit Nito sa Telegram?

Ngunit sa loob ng Telegram, may isang gamit ito. Ang Telegram folder ay isang feature kung saan magagawa ng isang user na magtipon ng mga chat, group chat, at channel sa loob nito. Maari rin na ang isang user ay makagawa ng maraming folder sa loob ng telegram.

Mga Group Chat sa Isang Folder
  • Paano Ba Gumawa ng Folder?

Una, Magtungo sa Iyong "Settings".

Pangalawa, Hanapin ang "Folders"

Pangatlo, Piliin ang "Create New Folder"


Pang-apat, Lagyan ng Pangalan ang Gagawing Folder (Ex. Paid Groups)"

Panglima, Pindutin And "Add Chats"

Pang-anim, piliin ang mga channel, groups, o mga convo na nais maipaloob.

Pang-pito, Pindutin ang Check sa Kanang-Ibaba.

Maari kang gumawa ng mahigit limang folder sa telegram. Pupuwede ka magdagdag pa o magbawas ng Chat sa isang folder. Epektibo ito para maisaayos ang iyong mga chats. Mas mapapadali at mas mapapalwan ang iyong paghahanap sa isang chat kung mabigyan ito nang pagkakaayos.


Report Page